Tyrone Reyes
Habang isa-isa silang pinapatay, tahimik tayong nanonood. May ilang nalulungkot, may ilang natatakot, may ilang nagsasabing “tama ‘yan, dapat maubos na ang mga ‘yan!” pero tila mas marami ang walang pakialam… “hindi ako adik, hindi ako apektado kaya tuloy ang ikot ng mundo.”
Hindi na tayo magtatalo sa lagim na dala ng droga. Para sa kapakanan at kaligtasan ng kabataan at pamilya, para sa katiwasayan ng bansa, para sa kalusugan ng lipunan—dapat magtulungan ang lahat para pigilan kundi man sugpuin ang salot na droga.
Pero walang short cut sa ganitong kalaki at kalalang problema.
Hulihin at ikulong ang lumalabag sa batas. Bigyang katarungan ang mga biktima ng krimeng kunektado sa droga. Sibakin at parusahan ang mga kasabwat na opisyal. Ikulong at papanagutin ang mga drug lords.
Pero ‘wag tayong sumang-ayon na basta na lang patayin ang mga tulak-droga at mga lulong sa droga sa paniniwalang maiitama ng pagpatay sa kanila ang maling ginawa nila. ’Wag nating isiping pag naubos sila, matatapos ang problema sa droga. ‘Wag nating linlangin ang sarili na dahil ito ang mabilis at madaling paraan ay ito ang mabisa at tamang paraan.
Unang-una, hindi kailangang maging dalubhasa para maunawaang sila man ay biktima. Biktima ng kahirapan. Biktima ng lipunang walang pakialam. Biktima ng sistemang pinaiikot ng mga makapangyarihan at gahaman. Biktima ng double-standard na hustisya na may pinipiling husgahan at parusahan.
Nais kong linawin, hindi naging tama ang mali na ginawa ng isang drug pusher dahil biktima siya ng kapalaran. Mali pa rin ang mali. At ang nagkamali, dapat papanagutin. Pero mas malaking pagkakamali na paniwalain ang sarili na sila lang ang may pagkakamali… na sila lang ang problema… na sila ang salot na dapat walisin, burahin, lipulin.
Ang tanong ko nga, alin kaya ang unang mauubos? ‘Yung mga pusher at adik o ang kaluluwa ng bansang hindi na marunong magmalasakit? Hindi nga kaya niloloko lang natin ang sarili natin kapag nagmamalinis tayo at sinasabing desisyon nila ang maging adik o magtulak ng droga at wala tayong kinalaman sa kapalarang pinili nila?
Ayon sa mga terrorism experts, marami sa mga bagong recruits ng ISIS ay hindi naman puro mga panatikong Muslim kundi mga karaniwang kabataan—mga kabataang pinagkaitan ng magandang kapalaran, iniwan o pinabayaan ng magulang, hinusgahan o na-bully sa paaralan at inabandona ng lipunang walang pakialam.
Ito rin ang recipe sa kaso ng maraming kabataang nalululong sa bawal na gamot. Ito rin ang kuwento sa likod ng mga kabataang itinulak sa droga hindi lang ng mga drug lords at pushers kundi ng lipunang habang kumakapal ang budhi, numinipis ang kapasidad na kahabagan at kalingain ang kanyang mga anak.
Kung isa kang magulang at gusto mong matuto ang anak mong lumangoy, hindi mo siya basta itutulak sa ilog. Sa halip, sasamahan at pagtatyagaan mo siyang turuan. Kung gusto nating magbagong-buhay ang mga tulak-droga, hindi natin sila papatayin na parang wala lang. Kung itinuturing pa rin natin sila bilang kapwa-tao, sasamahan natin sila at tutulungang lumaya sa bitag na kasama tayong gumawa.
May kaibigan ako na tinatamad maggamas sa kanyang garden. Ang solusyon niya, gumamit ng kemikal para lasunin ang damo. Tagumpay naman siya. Hindi na nga tumubo ang damo. Pero nilason na rin niya ang lupa na pinagtataniman niya ng iba’t ibang gulay na kinakain niya at ng kanyang pamilya.
Wala itong pinagkaiba sa short cut approach sa suliranin ng droga. Kapag ang solusyon ay patayin nang patayin ang mga nagkakamali, ang mga buhay na winasak ng droga, lalong madaragdagan.
Kapag naging normal na sa atin ang pagpatay bilang lunas sa kawalan ng malasakit, ang kabataan, pamilya at lipunang tinangka nating pangalagaan, tayo rin ang kumakaladkad patungo sa mas madilim na kalagayan.
Dahil walang pamayanang tunay na lalago kung ang kaayusan ay itinatakda lang ng batas, hindi bunga ng kabutihang itinuturo at pinalalaganap.
Walang lipunang tunay na magiging panatag at mapayapa kung sa halip na ang isulong ay maka-Diyos, maka-tao at maka-buhay na pamamaraan, sa karahasan at takot tayo namumuhunan.
Walang bansang tunay na magiging maunlad kung ang mga mamamayan nito ay ganap nang naging manhid at bulag, salat sa prinsipyo at habag.
Mimo Perez
Image Source: www.philstar.com
Michael Fatherofjjoliverjomalexsum Onas tanong ko lang!! ano ang solusyon mo?

Arlen Kali Kung
ako ang tinatanong mo, ang solusyon ko ay tulad din ng kay Presidente
Digong; sinsero, walang takot, habas, at patumanggang paghabol at
paglantad sa mga drug-pusher, drug-lord at drug-protector. Patayin sila
kung nanlalaban at kailangan, huwag lang kung sila ay sumuko na,
nakaposas , o nasa loob na ng presinto nag-iisa at napapaligiran ng mga
armadong kapulisan.
Michael Fatherofjjoliverjomalexsum Onas hahaha!! hnd ikaw kuyang ung nagpost nyan!! pero ok yung iyong tinuran!! saludo ako jn insan!!

No comments:
Post a Comment